^

Probinsiya

3 sunog sumiklab sa Calabarzon: 15-anyos stude sugatan, 1 inaresto

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

 CAVITE, Philippines — Tatlong insidente ng sunog ang naitala sa Calabarzon at isang 15-anyos na estudyante ang nasugatan habang isang lalaki naman ang inaresto makaraang magsunog ito ng mga cables ng cellphone na naging sanhi ng sunog sa kanilang lugar .

Unang naitala ang sunog sa lungsod ng Bacoor dakong alas-11:30 ng umaga sa Phase B, Tabing Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City.

Ayon kay Ground Commander, Fire Senior Inspector Precious Petalio, 36 na kabahayan ang naabo sa sunog at isang 15-anyos na estudyante ang nasugatan na inoobserbahan sa pagamutan. Ang sunog na umabot ng 1st alarm ay naapula makalipas ang may mahigit sa isang oras.

Sumunod namang sumiklab ang sunog sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna kung saan isang lalaki ang inaresto makaraang magresulta ng malaking sunog at pagkaabo ng may walong kabahayan, ang ginawa nitong pagsusunog ng mga inipong cable wire ng mga cellphones dakong alas-9 ng umaga.

Kasong arson ang isinampa laban sa suspek na si alyas Ricky, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Samantala, alas-10 ng gabi kamakalawa nang maganap ang sunog sa isang furniture warehouse sa Analyn Subdivision sa Brgy. Alangilan, Batangas City.

Aabot sa mahigit sa kalahating milyong piso ang naabo sa sunog.

NUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with