Drug den nalansag, 6 arestado ng PDEA-9

Sa ulat nitong Huwebes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, naaresto sa isang raid ng kanilang agents nitong Lunes sa Purok Upper Lumboy sa Barangay Tuburan sa Pagadian City ang drug den operator na si Flor Ponce Espinosa, 42-anyos, at apat na mga kasama na hindi na kinilala dahil mga menor-edad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

COTABATO CITY, Philippines — Limang magkakasama sa isang drug den kabilang ang apat na menor ded-edad ang naaresto nitong Lunes sa Pagadian City, habang isa pang drug dealer ang nakunan ng P340,000 na halaga ng shabu nitong Miyerkules sa Ma­guindanao del Sur sa magkahiwalay na operasyon ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-9.

Sa ulat nitong Huwebes ni Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng PDEA-9, naaresto sa isang raid ng kanilang agents nitong Lunes sa Purok Upper Lumboy sa Barangay Tuburan sa Pagadian City ang drug den operator na si Flor Ponce Espinosa, 42-anyos, at apat na mga kasama na hindi na kinilala dahil mga menor-edad.

Nakunan sila ng 25 sachet na shabu at mga drug paraphernalia na gamit sa pagsinghot sa naturang operasyon, ayon kay Gaodani-Tosoc.

Nitong Miyerkules, isang nagbebenta ng shabu malapit sa mga paaralan na si Jomarie Kabucan Sakilan, ang nakunan ng P340,00 na halaga ng shabu ng mga kasapi ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa buy-bust operation sa Brgy. Kanguan, Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, na nasa kustodiya na nila si Sakilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments