Lalaki, pinabulagta ng ka-eyeball

CAVITE, Philippines — Hinihina­lang ang kausap nito ang bumaril at nakapatay sa lalaking biktima na kakatagpuin sana nito, kamakalawa ng umaga sa Daungan, Brgy. Talaba 2 Bacoor City. 

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas Mac, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Zapote 3, Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan umalis ang biktima sa kanyang tahanan dahil sa may pupuntahan at katatagpuing kausap nito.

Pagdating ng biktima sa lugar at naglalakad nang biglang dumating ang suspek at agad binaril ang biktima.

Nang masigurong patay ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang armas na gamit sa pamamaril.

Show comments