Lady trader, 1 pa timbog sa higit P.6 milyong shabu

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga kabilang ang isang lady trader ang naaresto ng Bulacan Police sa isinagawang drug bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.

Sa report na nakara­ting kay Bulacan Police Director Relly Arnedo, kinilala ang da­lawang suspek sa alyas na “Jako”, 23-anyos, lala­king construction worker at alyas “Tin”, 38-anyos na babaeng negosyante.

Naaresto ang dalawang suspek ng Special Drug Enforcement Unit ng Balagtas Municipal Police Station na nagsagawa ng buy-bust ­operation. 

Nabawi mula sa da­lawang suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P680,000.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Cil Arnedo ang mga operasyong ito ay nagpapakita ng matatag na dedikasyon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa lalawigan ng Bulacan upang labanan ang ipinagbabawal na kalakalan ng droga.

Show comments