Taga-Bataan wagi ng P51.9 milyon sa lotto

Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet in Taguig City on November 17, 2023.
Philstar/Irra Lising

MANILA, Philippines — Isang lucky bettor na taga-Bataan ang pinalad na solong magwagi ng mahigit sa P51.9 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination na 40-18-07-06-24-27 na may katumbas na jackpot prize na P51,964,353.60.

Ayon sa PCSO, nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet sa Balanga City sa Bataan.

Pinayuhan naman ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na upang makubra naman ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Kailangan din aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Show comments