Mag-utol sa trike, huli sa boga at granada

Inaresto ang dalawang suspek na kalaunan ay natuklasang magkapatid na sina alyas na Crisanto at Carlo, magkapatid, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Natiyempuhan ng pulisya habang nagsasagawa ng rouving patrol sa Brgy. De ­Ocampo Trece Martires City ang dalawang kalalaking na sakay ng tricycle na tila may tinatakasan at may kabilisan ang takbo kamakalawa ng gabi .

Inaresto ang dalawang suspek na kalaunan ay natuklasang magkapatid na sina alyas na Crisanto at Carlo, magkapatid, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:45 ng gabi nang masabat ng mga pulis ang mga suspek habang sakay ng isang tricycle na may kabilisan ang patakbo at palipat-lipat ng andar sa kalsada.

Agad hinarang ng mga operatiba ang nasabing tricycle at nang siyasatin ang mga sakay ay nakapkapan ang driver ng tricycle ng Smith and Wesson revolver na may serial number 25108 at kargado ng bala na nakasuksok sa bewang nito.

Habang ang belt bag na dala ng isa pang suspek ay nakuhanan naman umano ng isang granada.

Narekober din sa mga suspek ang isang asul na sidecar Kawasaki Barako tricycle na may body number 2454 at plakang 500 OQX , isang cal. 38 Smith and Wesson revolver na may serial number 25108, mga bala at isang fragmentation hand grenade.

Show comments