Dawlah Islamiya drug dealer, timbog sa P1 milyong shabu

Sa ulat nitong Lunes ni Col. Robert Daculan, provincial police director ng Lanao del Sur, hindi na pumalag ang suspect, hindi muna kinilala habang inaalam pa ang kinaroroonan ng kanyang mga kasabwat, nang arestuhin ng mga hindi unipormadong pulis na kanyang nabentahan ng 150 gramo ng shabu, na aabot sa P1 milyong halaga sa Barangay Ilian sa bayan ng Mulondo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

COTABATO CITY, Philippines — Umaabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang drug dealer na konektado diumano sa Dawlah Islamiya terrorist group na nalambat sa anti-drug operation ng pulisya nitong Sabado sa Barangay Ilian sa Mulondo, Lanao del Sur.

Sa ulat nitong Lunes ni Col. Robert Daculan, provincial police director ng Lanao del Sur, hindi na pumalag ang suspect, hindi muna kinilala habang inaalam pa ang kinaroroonan ng kanyang mga kasabwat, nang arestuhin ng mga hindi unipormadong pulis na kanyang nabentahan ng 150 gramo ng shabu, na aabot sa P1 milyong halaga sa Barangay Ilian sa bayan ng Mulondo.

Ayon sa mga kasapi ng iba’t ibang Municipal Peace and Order Councils sa Lanao del Sur at mga Islamic religious leaders sa probinsya, kilala ang suspect sa kanyang koneksyon sa teroristang grupong Dawlah Islamiya na responsable sa pambobomba nitong December 2023 ng mga Katolikong nagsisimba sa isang gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City sanhi ng pagkamatay ng apat na Katoliko at pagkasugat ng mahigit 40 na iba pa.

Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, malaki ang naitulong ng tanggapan ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. sa entrapment ope­ration sa Mulondo na nagresulta sa pagkasamsam ng P1 million na halaga ng shabu sa isang dealer na ngayon nakakulong na, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Show comments