^

Probinsiya

Chinese na dinukot, pinalaya sa P1 milyong ransom

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Ligtas na nabawi ng kanyang pamilya ang isang Chinese national na dinukot makaraan silang makapagbigay ng P1 milyong ransom sa mga kidnaper, kamakalawa sa Imus City.

Sa ulat ng Imus Police, alas-11:45 ng gabi nitong Linggo nang pakawalan ng mga kidnaper ang biktimang si Zhang Yang, 35- anyos, empleyado at residente ng Santol St., Brgy. San Antonio, Makati City.

Sa loob ng McDonald‘s branch sa Brgy. Malagasang 1-G, Imus City narekober si Yang ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG)-Luzon at Imus Police nang iwanan ng mga abductors makaraang makapagbigay ang kanyang pamilya ng ransom money na 18,000 US dollars o P1,008,000 sa pamamagitan ng money transfer sa account ng mga suspek.

Nag-iisa lang umano si Yang sa loob ng nasabing food chain nang dumating ang mga awtoridad at ligtas siyang narekober.

Nabatid na si Yang ay dinukot ng‘di pa kilalang mga kidnapper at puwer­sahang kinaladkad sa maroon Toyota Vios, may plakang NBQ3151, sa Makati City, noong Abril 26, 2024.

Narekober na rin ng pulisya ang nasabing sasakyan nang abandonahin ito ng mga suspek sa parking lot ng nasabing food chain pagkahatid sa biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with