^

Probinsiya

Magkakaibigan naglaro sa tabing ilog: Grade 9 nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MILAOR, Camarines , Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang Grade 9 student na dalagita sa kanilang paglalaro ng mga kaibigan matapos malunod sa ilog ng Zone-2, Brgy. San Miguel, Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng tanghali.

Ilang oras bago nakuha sa may kawayanan ng naturang ilog ang bangkay ng biktima na kinilalang si Mari Bo, 14-anyos at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, pasado alas-12 ng tanghali matapos makapananghalian kasama ang dalawang kalaro ay kumuha ng mangga ang biktima at nagyaya para maglaro sa tabi ng ilog sa kanilang barangay.

Gayunman, ilang sandali ay lumusong ang dalagita sa ilog para lumangoy pero hindi na ito muling nakita. Nabahala ang mga kasama kaya humingi sila ng saklolo.

Ilang oras bago natagpuan ang bangkay ng dalagita na sumabit sa kawayanan malapit sa lugar kung saan siya lumubog.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with