^

Probinsiya

‘Gun-for-hire’ kumasa sa raid, sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines — Sugatan at ginagamot ngayon sa ospital ang isang miyembro ng notoryus na gun-for-hire group at isang Most Wanted Person makaraang makipagbarilan sa mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Sitio Pugad Lawin, Barangay Behia sa bayang ito.     

Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director Col. Ledon Monte, ang suspek ay kinilalang si Raffy Mitra, 32, umano’y miyembro ng Hernandez “gun-for-hire group” na kumikilos sa Batangas at sangkot din umano sa pagtutulak ng iligal ng droga. 

Ayon kay Col. Monte, dakong alas-8:30 ng gabi nang puntahan ng composite team ng QPPO/PIU, RIU4APIT ,1st QPMFC at Tiaong Police ang bahay ng suspek upang isilbi dito ang warrant of arrest na inisyu ni Hon.Judge Dennis Galahad Orendain ng RTC branch 53,Lucena City.

Hindi pa man umano nakakalapit ang mga otoridad ay pinaputukan na sila ng suspek kaya nang gantihan ay tinamaan ito sa hita at dinala sa United Candelaria District Hospital.

Tumakas naman patungo sa Barangay Saint Francis ang hindi pa nakikilalang kasama nito na armado ng maiksing baril.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with