^

Probinsiya

P3.1 milyong marijuana, winasak sa Cordillera

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P3.1 milyong marijuana, winasak sa Cordillera
Ayon sa ulat ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) umabot sa 3,675 na puno ng fully grown marijuana plants; 20,000 grams ng dried marijuana stalks, at fruiting tops ang winasak ng mga otoridad.
Miguel de Guzman

LAGAWE, Ifugao — Umabot sa P3.1 milyon na halaga ng marijuana ang winasak sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Cordillera.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) umabot sa 3,675 na puno ng fully grown marijuana plants; 20,000 grams ng dried marijuana stalks, at fruiting tops ang winasak ng mga otoridad.

Tinatayang nasa P3,135,00 ang halaga ng marijuana na nakuha mula sa apat na plantasyon sa bahagi ng Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at  Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.

Samantala, limang indibidwal naman ang dinakip din ng mga otoridad sa magkakahiwalay na drug operations sa lalawigan naman ng Abra, Benguet at Baguio City.

Apat sa mga nadakip ay nailista bilang high-value individuals habang ang isa ay street-level individual.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga ope­ratiba ng pulisya simula Abril 1-7, 2024.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with