^

Probinsiya

Wanted na rapist ng mga menor de edad, nasakote

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ang isang wanted sa panggagahasa ng ilang mga kabataang babae kabilang ang 5-anyos niyang pamangkin sa isang police operation sa Kidapawan City, Cotabato nitong Miyerkules.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Kidapawan City local government unit at ni Cotabato provincial police director Gilbert Balneg Tuzon, walang piyansang nirekomenda ang mga korteng naglabas ng mga warrant of arrest para kay Rogie Awag.

Iba’t ibang kasong rape ang kinakaharap ni Awag sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang na dito ang kanyang diumano pagmolestiya sa limang taong batang babae na kanyang pamangkin.

Natunton si Awag ng mga magkasanib na mga operatiba ng Kidapawan City Police Office at ng Cotabato Provincial Police Office sa isang liblib na barangay sa Kidapawan City sa tulong ng mga kakilalang alam ang kanyang pinagtataguan sa naturang lugar at hindi na ito nanlaban pa.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with