^

Probinsiya

2 bahay inararo ng bus: 1 patay, 9 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 bahay inararo ng bus: 1 patay, 9 sugatan
Ayon sa ulat ng Pagbilao Police, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Maharlika Highway sa Sitio Mangrove, Brgy. Ibabang Palsaba­ngon, Pagbilao.
STAR/File

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Patay ang isang driver habang 9 pang katao ang sugatan nang araruhin ng isang pampasaherong bus ang dalawang bahay saka sumalpok sa puno sa Maharlika Highway sa Sitio Mangrove, Brgy. Ibabang Palsabangon ng bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Pagbilao Police, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Maharlika Highway sa Sitio Mangrove, Brgy. Ibabang Palsaba­ngon, Pagbilao.

Sa imbestigasyon, lumalabas na patungo ang DLTB bus sa direksyon ng Bicol Region nang magkamali umano ng kalkulasyon ang driver na si alyas “Jay” sa matalim na kurbada at tuluy-tuloy na inararo nito ang dala­wang bahay na nasa gilid ng highway saka bumangga sa isang puno ng mangga.

Dahil sa matinding impact nang bumangga ang bus, napuruhan ang driver nito habang nagtamo ng mga sugat ang kanyang walong pasahero at isang may-ari ng bahay.

Idineklarang dead-on-Arrival (DOA) sa ospital si alyas Jay dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos namang malapatan ng lunas, nasa maayos nang kondisyon ang walong pasahero at ang may-ari ng isa sa dalawang bahay na inararo ng bus.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with