^

Probinsiya

19-anyos estudyante dedo sa trak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
19-anyos estudyante dedo sa trak
Kinilala ang nasawing biktima na si Mark Anthony Millare, binata at residente ng Solana, Cagayan.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Patay ang isang 19-anyos na estudyante matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang trak sa national highway ng Barangay Busilac sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Mark Anthony Millare, binata at residente ng Solana, Cagayan.

Nakilala naman ang driver ng Mitsubishi dropside truck na si Jeofrey Lucio, 28-anyos, magsasaka na residente naman ng Barangay Poblacion, Ambaguio sa lalawigan na ito.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na patu­ngong hilaga ang Honda na motorsiklo ni Millare nang aksidente nitong masalpok ang likurang bahagi ng nakaparadang trak ni Lucio sa gilid ng highway.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with