^

Probinsiya

2 dalagita, natagpuang patay sa ilog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 dalagita, natagpuang patay sa ilog
Ayon sa mga awtoridad, unang natagpuan na nakalutang sa ilog sa Brgy. Iba O Este, Calumpit, Bulacan si Jashane De Jesus, 13-anyos, estuda­yante ng Northville-9 Phase II, Brgy. Iba O Este dakong alas-3:20 ng hapon nitong Abril 6.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang babaeng menor de-edad ang magkasunod na natagpuan ang kanilang bangkay habang nakalutang sa Calumpit River, dito sa lungsod, ka­makalawa ng hapon.

Sumunod na natagpuan ang bangkay ni Krisalyn Kasandra Alpes, 14-anyos, estudyante ng NorthVille-9 Phase II, Brgy. Iba O Este nito ring Abril 6 dakong alas-3:45 ng hapon sa gilid ng ilog sakop ng Brgy. Caniogan, Calumpit, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, Abril 5, 2024, dakong alas-6:30 ng gabi nang huling makitang magkasama ang dalawang biktima ng tiyuhin ni Jashane na si Bayani Ben Matias na naglalakad sa gilid ng kalsada ng Brgy. Palimbang, Calumpit, hindi kalayuan kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima.

Pauwi na sana umano ang dalawang biktima sa kanilang bahay nang mga oras na iyon subalit hindi na sila nakarating sa kanilang bahay.

Hanggang nitong Abril 6, 2024, isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang nag-report sa Calumpit Police na may isang dalagitang nakitang nakalutang ang katawan sa nasabing ilog at wala nang buhay.

Wala naman umanong nakikitang foul play ang mga awtoridad sa nangyaring insidente sa dalawang biktima dahil sa intact naman umano ang mga damit at ma­ging ang pang-ibabang kasuotan nang matagpuan nila ang bangkay ng dalawang babae.

Paniwala ng mga awtoridad na posibleng nagkayayaang maligo ang magkaibigan sa nasabing ilog bago umuwi sa kanilang bahay at doon nangyari ang hindi inaasahang trahedya.

2 dalagita, natagpuang patay sa ilog

Omar Padilla

vuukle comment

CALUMPIT RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with