^

Probinsiya

Sex video ng BF ikakalat, bebot kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang babae nang magbantang ikakalat ang sex video ng kanyang boyfriend sa social media at nanghingi ng pera, sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa 20-anyos binatang biktima ng Tanza, Ca­vite, naghain siya ng reklamong extortion at robbery laban sa sariling nobya na residente rin ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng biktima nanghihingi ang suspek ng P30,000 kapalit ng pagbura at hindi pagsasapubliko ng sex video ng una kasama ang kanyang dating girlfriend.

Nakuha umano ng suspek ang sex video mula sa cellphone ng boyfriend.

Dahil dito, ikinasa ang entrapment operation nitong Abril 2 dakong alas-8:30 ng gabi sa Barangay Darasa, Tanauan City at nabawi ang isang iPhone 13 at marked money sa suspek.

Nasa kustodiya na ng Tanza Police ang babaeng suspek na sasampahan ng kaukulang kaso.(

vuukle comment

TANAUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with