^

Probinsiya

8,000 grad sa Cotabato, sumabak sa scholarship exam

John Unson - Pilipino Star Ngayon
8,000 grad sa Cotabato, sumabak sa scholarship exam
Sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang bayan sa Cotabato ang pagsusulit ng 8,000 na ap- likante para sa college scholarship program ng tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño Mendoza nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Aabot sa 8,000 na high school graduates ang lumahok sa mga pagsusulit para sa college scholarship program ng Cotabato provincial government sa iba’t ibang bayan sa pro­binsya nitong Biyernes.

Ang mga nais na ma­ging college scholars ng tanggapan ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, na siyang chairperson ng Regional Development Council 12, ay kinabibilangan ng mga estudyanteng mga Muslim, Kristiyano, at mula sa mga etnikong indigenous communities.

Kabilang sa tumulong sa pagsasagawa ng naturang scholarship qualifying examination ang dalawang mayor ng probinsya na sina Rolly Sacdalan ng Midsayap at Evangeline Guzman ng Kabacan, na parehong hinikayat, sa mga hiwalay na dayalogo, ang mga aplikante na sundin ang regulasyon ng programa kung magiging ganap na benepisyaryo na nito.

Ayon kay Sacdalan, isa sa layunin ng free education program ng kanilang provincial government ay upang maparami pa ang professionals sa probinsya ng Cotabato kaugnay ng peace and development agenda ng Mendoza administration.

Ipinaliwanag din ni Sacdalan sa mga aplikante na ang naturang scholarship program ay suportado rin Mindanao peace process ng Malacañang na naglalayong maging mapayapa at maunlad ang mga lugar sa apektado ng Moro rebellion nitong nakalipas na mga dekada.

vuukle comment

COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with