^

Probinsiya

62-anyos ninakawan sarili, nabisto sa CCTV

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

P1 milyon cash, 2 laptop tinangay

CAVITE, Philippines — Hindi nakalusot sa masusing pag-iimbestiga ng pulisya ang 62-anyos na lolo na nag-report sa himpilan na nilooban nang ma­diskubre sa CCTV na siya mismo ang tumangay ng mahigit sa P1 milyong pera at mga mahahalagang gamit sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, dito sa lalawigan kamakalawa.

Personal pang nagtungo sa pulisya ang lolo na si alyas Ferdinand upang mag-report hinggil sa diumano’y napasok ang kanyang bahay ng mga magnanakaw at tinangay ang malaking halaga ng pera at mga kagamitan.

Sa salaysay ni Ferdinand sa pulisya, alas-4 umano ng hapon nitong Abril 3 nang madiskubre nito na napasok ng akyat-bahay gang ang kaniyang tahanan at tinangay ang perang P1 milyon at dalawang laptop.

Dakong alas-11:50 na ng umaga kinabukasan nang mag-report sa pulisya ang matanda hinggil sa insidente.

Bunsod nito, agad na nag-imbestiga ang pulisya at nangalap sila ng mga CCTV footages sa lugar kung saan nakuhanan ang isang lalaki na nakasuot ng dark jacket na may hood, naka-baseball cap, at dark jeans.

Lumalabas na sa main door mismo ng bahay ni Ferdinand dumaan ang naka-hood na lalaki at paglabas ay dala na ang dalawang laptop at ang sinasabing pera na 1 milyong piso.

Gayunman sa kuha ng CCTV, dito na nakilala ng pulisya na si Ferdinand na nag-report ng pagnanakaw ay siya ring mismong tumangay ng mga nawawalang pera at kagamitan sa kanyang bahay.

Dahil dito, agad na inaresto ng mga pulis si Ferdinand at narekober sa kanya ang sinasabing nawawala nitong mga pera at dalawang laptop.

Nahaharap sa kasong perjury (false reporting of alleged robbery incident) ang nasabing lolo na ngayon ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with