^

Probinsiya

Obrero sumemplang sa motor, utas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Obrero sumemplang sa motor, utas
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erwin Dator, 45, may-asawa, utility worker at nakatira sa Garcinia Subd. Barangay Kilib Lucban, Quezon.
STAR/File

LUCBAN, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang mister makaraang sumemplang ang minamanehong motorsiklo dahil sa pagbangga sa isang kalso sa gitna ng highway na sakop ng Barangay Manasa sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erwin Dator, 45, may-asawa, utility worker at nakatira sa Garcinia Subd. Barangay Kilib Lucban, Quezon.

Base sa imbestigasyon, sakay ng isang Honda Wave motorcycle ang biktima at binabagtas ang Lucban-Tayabas road, alas-6:00 ng umaga nang mabangga nito ang isang kalso sa gitna ng kalye.

Nang sumemplang ang motorsiklo ng biktima ay bumagok sa sementadong kalye ang ulo nito na bagama’t may suot na helmet ay nagtamo pa rin ng matinding kapinsalaan sanhi upang agad itong malagutan ng hininga.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with