^

Probinsiya

Parak, kuya patay sa road mishap

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Parak, kuya patay sa road mishap
Nakilala ang mga biktima na sina Patrolman Mario Martinez, 28, nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion 2, at nakatatandang kapatid na si Mark Anthony Martinez, 30, kapwa residente ng Brgy. Centro 4, Claveria.
Graphic by Philstar/John Villamayor

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) at kanyang kuya matapos salpukin ng isang forward truck habang lulan ng motorsiklo sa Barangay Cabaggan, Pamplona ng lalawigang ito, kamakalawa.

Nakilala ang mga biktima na sina Patrolman Mario Martinez, 28, nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion 2, at nakatatandang kapatid na si Mark Anthony Martinez, 30, kapwa residente ng Brgy. Centro 4, Claveria.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay sa isang motorsiklo ang magkapatid at galing sa bayan ng Claveria na namili ng iluluto para sana panghanda sa isang birthday celebration nang mangyari ang insidente.

Lumalabas na nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang pulis nang iayos ang isinakay na mga lulutuin sa unahan ng kanyang motorsiklo.

Sa bilis ng pangyayari, hindi namalayan na bahagyang napunta ang motorsiklo sa kabilang linya ng kalsada na naging dahilan para masalpok ng papara­ting na forward truck na minamaneho ng isang Rodolfo Mamuad, 54, residente ng Brgy. Binalan, Aparri, Cagayan.

Mabilis naman na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima subalit naideklara na dead on arrival (DOA) dahil sa mga natamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trak.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with