^

Probinsiya

2 bata patay sa pagkalunod sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Dalawang bata ang nalunod sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon, nitong holy weekend ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Sa bayan ng Mulanay, noong Sabado de Gloria, bandang alas-12 :00 ng tanghali, naglalangoy ang batang biktima na si alias “Sophia” kasama ng 10 niyang kaanak nang matagpuang ang una na wala nang malay sa tabing dagat.

Kaagad na isinugod sa Rural Health Unit of Mulanay ang biktima at mabilis ding inilipat sa Bonpen District Hospital sa Catanauan, Quezon subalit idineklara na siyang patay bandang ala-1:45 ng hapon.

Sa Mauban, napaulat kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw na isang 3-anyos na si alias “Richmark”, ng Sitio Malazor, Brgy. San Loren­zo, Mauban, Que­zon ang nalunod.

Nabatid na bandang alas-9:00 ng gabi noong sabado, nakita ni Jhemarie, ina ni Richmark, na umalis ng bahay ang kanyang anak sa pag-aakala na kasama ang bata ng kanyang ama sakay ng tricycle.

Nang malaman mula sa asawa na hindi nito kasama ang anak na lalaki kaya kaagad nila itong hinanap. Gayunman, natagpuang palutang-lutang sa ilog ang paslit at idinekla­rang dead-on-arrival sa Mauban District Hospital.

vuukle comment

GLORIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with