^

Probinsiya

2 NPA todas sa Quezon encounter

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 NPA todas sa Quezon encounter
Sa inisyal na ulat ng Philippine Army (PA), muling nakasagupa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 85th infantry Battalion ang komunistang grupo ng Platun Reymark, SRMA-4B, STRPC sa Brgy. San Jose Guinayangan, Quezon dakong alas 6:20 ng umaga nitong Huwebes Santo, Marso 28.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos makaengkwentro ang tropa ng militar sa Brgy San Jose, Guinyangan, Quezon.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Army (PA), muling nakasagupa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 85th infantry Battalion ang komunistang grupo ng Platun Reymark, SRMA-4B, STRPC sa Brgy. San Jose Guinayangan, Quezon dakong alas 6:20 ng umaga nitong Huwebes Santo, Marso 28.

Ang naturang engkwen­tro ay nagdulot naman ng takot sa mga residente roon.

Narekober ng militar sa lugar ng engkwentro ang tatlong high powered­ firearms (HPFA) na pinaniniwalaang ginamit ng mga teroristang NPA.

Kaugnay nito,  binigyan ng maayos at disenteng burol ng lokal na pamahalaang bayan ng Guina­yangan at ng pamunuan ng 85th IB, Philippine Army ang dalawang nasawing miyembro ng NPA.

Kinilala ng militar ang mga napaslang na rebelde na sina Divine Soreta, may mga alyas na Joy at Gerbin, taga-Capalonga, Camarines Norte na sinasabing mataas na lider ng NPA sa Bicol Region at isang Paulo Cruz alyas “Isko” at “Ramon”. Sila ay kasalukuyang nakahimlay sa St. Peter ng Brgy. Poblacion 2, Guinayangan, Quezon at binabantayan ng mga sundalo upang siguraduhin na ang totoong kapamilya ang tatanggap ng kanilang mga labi.

Kapansin-pasin naman ang biglang pagdayo ng grupong Karapatan na nagmula pa sa ibang lalawigan, na tila kilalang-kilala nila ang bawat miyembro ng teroristang grupo sapagkat mapapansin na kapag isang miyembro ng NPA ang nasawi ay agad silang dumarating, subalit hindi nila magawang kondenahin ang patuloy na pagre-recruit ng NPA sa mga magsasaka at kabataan.

Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng AFP, PNP at pamahalaang panglalawigan sa mga natitira pang miyembro ng Platun Reymark, SRMA 4B, na sila ay sumuko na.

Dagdag ng tropa ng pamahalaan na ang gobyerno ay nakahandang tumulong upang akayin  pabalik sa mapayapang pamayanan at sa tulong ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ang mga naliligaw pa ng landas.

Matatandaang nagtangkang pumasok sa bayan ng Calauag, Que­zon nitong Marso 25 ang parehong grupo ng NPA subalit naharang sila ng mga otoridad. Nananati­ling alerto ang militar dahil sa posibleng nagtatago pa sa naturang lugar ang armadong terorista na nagdulot ng kaguluhan sa kapayapaan ng bayan ng Guinayangan, at buong lalawigan ng Quezon

Patuloy din ang pagsasagawa ng mga otoridad ng checkpoints at monitoring sa mga ospital at clinic, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga Barangay at Municipal Chief Executives upang masiguro na ligtas ang mga residenteng malapit na pinangyarihan ng engkwentro. 

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with