^

Probinsiya

Pag-atake ng NPA sa Calauag, Quezon nasilat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Nagulantang ang bayan ng Calauag, Quezon nitong Marso 25 matapos na magtangkang guluhin ng mga teroristang New People’s Army (NPA) ang kapayapaang tinatamasa ngayon ng mga mamamayan sa nasabing bayan. 

Sa ulat, agad naharang ng mga alertong kasapi ng Philippine Army ang mga armadong grupo ng NPA na nagtangkang pumasok sanhi ng sagupaan sa may boundary ng Brgy. Doña Aurora, Calauag, Quezon, at Sta. Elena, Camarines Norte kama­kalawa.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-85th Infantry Battalion at Chief of Police ng Calauag Municipal Police Station, gumamit pa ng improvised explosives device (EID) ang mga miyembro ng komunistang grupo ng SRMA 4B STRPC na nagdulot ng pagkasugat ng dalawang sundalo na ngayo’y nilalapatan ng lunas at nasa maayos nang kalagayan.

Wala namang naitalang residente na nadamay sa nangyaring engkuwentro.

Nakarekober ang mga sundalo sa lugar ng isang M16 rifle, pitong magazines na may lamang bala, tatlong piraso ng anti-personnel mines at iba pang personal na kagamitan ng mga rebeldeng NPA.

Iniulat din ng 85th IB, PA na sa Brgy Apad, katabing barangay na pinangyarihan ng engkuwentro, isang NPA member na kinilalang Randy Reota alyas “Bibo”,  kabilang sa listahan ng mga natitirang miyembro ng Platun Reymark, SRMA-4B, STRPC, na napahiwalay umano sa mga kasamahan ang humingi ng tulong sa barangay upang maiparating sa militar ang intensyong pagsuko na agad namang pinuntahan ng mga sundalo.

Ayon kay Bibo, siya ay kabilang sa grupo ng NPA Bicol na nanambang sa mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA) sa Brgy. Mapulot, Tagkawayan, Quezon noong nakaraang taon.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with