^

Probinsiya

2 bata naglaro sa loob ng kotse, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 bata naglaro sa loob ng kotse, patay!
Ang dalawang paslit na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan, nagkakaedad ng 2 at 3 ay patay na nang madiskubre ng may-ari ng mga awtoridad sa loob ng sasakyan.
CDRRMO-Angeles City

Nakulong,  na-suffocate  sa sobrang init

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang batang magpinsan matapos na umano’y ma-suffocate habang naglalaro sa loob ng isang nakaparadang kotse sa Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga nitong Biyernes. 

Ang dalawang paslit na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan, nagkakaedad ng 2 at 3 ay patay na nang madiskubre ng may-ari ng mga awtoridad sa loob ng sasakyan.

 Sa inisyal na ulat ng Angeles City Police, ipinarada ni Jaypee Santos, may-ari ng isang kulay maroon na Toyota Vios na may plakang CBE-3794 ang kaniyang nasabing sasakyan sa harapan ng kanilang tahanan sa Brgy. Malabanias ng lungsod.

Gayunman, ilang oras matapos ito ay bumalik sa kaniyang behikulo ang nasabing mister at laking gulat niya nang makitang may dalawang bata sa loob nito na kapwa nakahandusay.

Sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV), makikita ang dalawang bata na naglalaro at bunga ng matinding kalikutan ay nagawang mabuksan ang kanang pintuan ng kotse kung saan sila pumasok.

Gayunman, nabigong makalabas na ang dalawang paslit na nakulong sa loob ng behikulo kung saan matindi ang init ng panahon.

Pinaniniwalaan namang na-suffocate sa loob ng behikulo ang dalawang biktima bukod pa sa napakatindi ng nararanasang mainit na panahon sa lugar.

Nangako naman ang pamahalaang lungsod na bibigyan ng pinansyal na ayuda ang naulilang pamilya ng mga biktima. 

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito at tinitingnan kung may pananagutan ang may-ari ng sasakyan sa pagkasawi ng dalawang bata.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with