^

Probinsiya

P1.3 milyong shabu nasamsam sa Zamboanga del Sur

Pilipino Star Ngayon
P1.3 milyong shabu nasamsam sa Zamboanga del Sur
Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes ng municipal officials at ng Aurora Municipal Police Station, naka-detine na sina Alijina Bangon Edris, 49 anyos, at ang kanyang 39-anyos na kasabwat, si Ansano Omar Madki, na-aresto matapos magbenta ng 200 gramo ng shabu sa mga hindi unipormadong pulis sa isang entrapment operation sa Purok Sta. Maria sa Barangay Poblacion ng Aurora.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis ang abot sa P1.3 million na halaga ng shabu sa dalawang dealer na na-entrap sa Barangay Poblacion ng Aurora sa Zamboanga del Sur nitong Miyerkules, March 20, 2024.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes ng municipal officials at ng Aurora Municipal Police Station, naka-detine na sina Alijina Bangon Edris, 49 anyos, at ang kanyang 39-anyos na kasabwat, si Ansano Omar Madki, na-aresto matapos magbenta ng 200 gramo ng shabu sa mga hindi unipormadong pulis sa isang entrapment operation sa Purok Sta. Maria sa Barangay Poblacion ng Aurora.

Sa ulat ng Zamboanga Del Sur Provincial Police Office, ang mga nakakulong ng sina Edris at Madki ay mga residente ng Tugaya, isang bayan sa ikalawang distrito ng Lanao del Sur.

Ilang mga kasabwat na nila ang unang na-aresto ng mga kasapi ng Pagadian City Police Office at ng Zamboanga del Sur PPO sa mga serye ng entrapment operations sa ibat-ibang lugar sa probinsya nitong nakalipas na anim na buwan

vuukle comment

ZAMBOANGA DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with