^

Probinsiya

4 tiklo sa pagbebenta ng nakaw na fish meal

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Arestado ng mga opera­tiba ng Pulilan police ang apat katao na sangkot sa pagbebenta at pagbili ng raw materials sa paggawa ng feeds kamakalawa ng gabi sa Brgy, Tibag sa nasabing bayan.

Sa report na ipinadala ni PLt. Col. Jose Manalo Jr. kay PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo, nakilala ang mga suspek na sina Jose San Pedro, 49 negosyante ng Purok 4 Hiway, Brgy. Tibag, Feliciano Obeda, 55, truck driver ng Brgy. San Juan, Balagtas, Jomy Salinas Jr., 45, helper ng Northville 5. Brgy. Batia, Bocaue; at Ian Tura y Cajis, 40, driver, ng Brgy.Tabon, Pulilan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, una nang nag­reklamo si Teodulo Magtalas y Sulit ng Feedmix Specialist Inc. kaugnay sa nawawalang sangkap sa paggawa ng pagkain ng hayop.

Nabatid na mismong driver ng trucking na si alyas Ian ang nagbaba ng 100 sako ng fish meal.

Sa isinagawang follow-up ng PNP, nakita ang truck na may plakang REN 236 lulan ang 100 sako ng fish meal.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pulilan Municipal Jail na kinasuhan ng Anti-Fencing Law at Qualified Theft.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with