^

Probinsiya

P500K reward alok vs killer ng CDRRMO official

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nag-alok ng P500,000 na pabuya si Cotabato City Mayor Mohammad Ali Matabalao kapalit ng impormasyong makakapagturo sa pumatay sa operations chief ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Mismong mga magulang at mga kapatid ng napaslang na 42-anyos na si Jose Raymond Marquez at ang Cotabato City Police Office ang nagkumpirma nitong Sabado sa pag-alok ng mayor ng naturang reward nitong gabi ng Huwebes, hu­ling araw ng lamay para sa biktima sa People’s Palace dito na siyang sentro ng operasyon ng Cotabato City local go­vernment unit (LGU).

Ang mga labi ni Marquez ay nilibing nitong Biyernes ng umaga sa Marian Hills Memorial Park sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte na dinaluhan ng maraming kamag-anak, kakilala at rescuers mula sa iba’t ibang rescue units ng mga pribadong grupo at mga sakop ng mga ahensya ng pamahalaan.

Magugunita na noong Marso 1 ng gabi, pauwi na si Marquez sa kanilang tahanan sakay ng kanyang motorsiklo, nang tambangan at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin sa isang bahagi ng mataong Sinsuat Avenue sa Cotabato City, tapat ng isang gasoline station.

Nagtamo si Marquez, mas kilala sa kanyang palayaw na Choco, ng tatlong tama ng bala ng .45 caliber pistol na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak, kaibigan at katrabaho ni Marquez dahil sa brutal na pagpatay sa huli.

vuukle comment

CDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with