^

Probinsiya

P5.3 milyong cocaine nalambat ng 2 mangingisda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P5.3 milyong cocaine nalambat ng 2 mangingisda
Deepsea fishermen Junjie Villaver and Paciano Villalba show the compressed cocaine brick they found while fishing in the territorial waters of Tandag City, now in the custody of the police.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Umaabot sa P5.3 milyong hala­ga ng pinaniniwalaang cocaine ang isinuko ng dalawang mangingisda nang malambat sa karagatang sakop ng Barangay Bongtud, Tandag City, Surigao del Sur nitong Biyernes.

Ayon kay Police Brig. General Kirby John Krafy, regional director ng Caraga (Region 13), nitong Biyernes ay isinuko ng mga mangi­ngisdang sina Junjie Villaver, 36, at Paciano Villalba, 28; pawang residente ng Barangay Bongtud, Tandag City ang tinatayang nasa 1 kilo ng pinaniniwalaang cocaine sa Tandag Municipal Police Station (MPS). Nalambat ang hinihina­lang droga ng mga mangingisda habang palutang-lutang sa dagat.

Ang ginawa namang katapatan ng dalawang mangingisda ay umani ng papuri sa pulisya at kay Surigao del Sur Gov. Ale­xander Pimentel, na nagbigay sa kanila ng pera at tig-isang sako ng bigas.

Ang mga nakuhang cocaine naman ay inilagay sa kustodiya ng Surigao del Sur Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit at susuriin ng Regional Forensic Unit-13.

SURIGAO DEL SUR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with