^

Probinsiya

Pumpboat lumubog: 43 nasagip, sanggol missing

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Maagap na naisalba ng mga kasapi ng Maritime Police ang 43 na pasahero ng isang sasakyang pandagat na lumubog sa karagatang sakop ng Zamboanga City habang patungo sana sa Lanawan, Tabuan Lasa, Basilan nitong gabi ng Sabado.

Isang sanggol na anak ng isa sa mga pasahero ng malaking bangkang de-motor ang naiulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap, ayon sa mga hiwalay na ulat ng Maritime Police Unit sa Zamboanga City at ng Police Regional Office-9.

Nadala na sa isang ligtas na lugar ang mga sakay ng pumpboat na na-rescue ng mga pulis at nabigyan na sila ng inisyal na mga supply ng pagkain at tubig ng mga kawani ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nangako rin ng kaukulang tulong para sa mga nasagip ang tanggapan ni Basilan Gov. Hadjiman Salliman na siyang chairman ng PDRRMO.

vuukle comment

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with