^

Probinsiya

Albay target maging 100 percent renewable energy sa 2030

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Magkatuwang na naglunsad ng site inspection at mass consultations sa ilang bayan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lalawigang ito at eksperto ng Philippine Movement for Climate Justice.

Sa pangunguna ni senior energy program officer Larry Pascua ay naghahanap ng potensyal na lugar na mapagkukunan ng renewable energy sa Albay kaugnay ng ginawang pirmahan ng memorandum of understanding nitong nakalipas na Pebrero 23 ni Gov. Edcel Greco “Grex” Lagman at PMCJ.

Unang ininspeksyon ng grupo ang kostal na bayan ng Pio Duran na tinitingnang pasok sa 250 KPH wind speed requirement para sa wind energy.

Dito nakipagdayalogo sa mga mangingisda, magsasaka at residente ang grupo at nagpaliwanag hinggil sa proyekto at kinuha ang opinyon ng mga mamamayan.

Ayon kay Gov. Lagman, target ng lokal na pamahalaan katuwang ang PMCJ na maging 100 percent renewable energy ang buong lalawigan bago sumapit ang taong 2030.

Maliban umano sa mga geothermal energy na pinagkukunan sa Albay ay malaki rin ang potential ng lalawigan sa solar at wind energy.

Mahigpit na itinutulak ni Lagman na magkaroon pa ng ibang source ng renewable energy at hindi guma­mit ng fossil fuel na may masamang epekto sa kapaligiran lalo na sa climate change. Kung matupad ito ay malaking ginhawa hindi lang sa kapaligiran kundi sa mas mababang presyo ng kuryente sa lalawigan at kaya pang suplayan ang buong Kabikulan.

vuukle comment

RENEWABLE ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with