^

Probinsiya

3 patay, 14 sugatan sa sumabog na gulong sa TPLEX

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 patay, 14 sugatan sa sumabog na gulong sa TPLEX
Sa inisyal na ulat, bandang alas-9 ng umaga nang mangyari ang malagim na sakuna habang bumabagtas ang kulay puting van sa bahagi ng TPLEX sa Tomana West, Rosales ng nasabing lalawigan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlo ang kumpirmadong nasawi habang 14 iba pa ang sugatan na pawang mga magkakamag-anak makaraang aksidenteng pumutok ang gulong ng sinasakyang van sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX), sa bahagi ng Pangasinan nitong Sabado.

Sa inisyal na ulat, bandang alas-9 ng umaga nang mangyari ang malagim na sakuna habang bumabagtas ang kulay puting van sa bahagi ng TPLEX sa Tomana West, Rosales ng nasabing lalawigan.

Kasalukuyang bumabagtas ang van sa nasabing lugar nang aksidenteng pumutok ang gulong nito bunsod upang sumadsad ito sa road barrier o kon­kretong barandilya sa bahagi ng expressway.

Sa lakas ng pagka­kabangga, limang beses na nagpaikut-ikot ang van na ikinamatay ng isang 76-anyos na lola at dalawang lalaki na tinatayang nagkakaedad ng 30 at 32.

Agad namang isinugod sa Urdaneta City Hospital ang 14 na nasugatan kabilang ang driver ng van upang malapatan ng lunas.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Rosales Municipal Police Station (MPS), overloaded ang van nang mangyari ang insidente na dapat ay 14 lang ang kapasidad ng behikulo.

Lumalabas na 17 katao ang sakay ng van na patungo sana sa bayan ng Manaoag, Pangasinan para magsimba nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

TPLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with