^

Probinsiya

Assistant manager ng mini-mart tiklo sa pagdekwat ng 6 tsokolate

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Kalaboso ang assistant branch mana­ger ng isang mini-mart matapos na makita sa CCTV fooftage ang ginawang pagnanakaw umano ng mga tsokolate na ibinebenta sa kanyang pinapasukan ka­makalawa ng hapon sa loob ng Citi Mall sa Brgy. Anabu 1-B, Imus City.

Kasong qualified theft ang kakahara­ping kaso ng suspek na kinilala lang sa alias “Ronald”, assistant manager ng Merry Mart Grocery, Anabu Branch.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:50 ng hapon nang maaktuhan sa loob ng bag ni Ronald ang anim na piraso ng Meijis milk chocolate.

Pauwi na diumano ang nasabing asst. manager at dumaan sa receiving delivery area unit ng opisina nang mapansin umano ng naka-duty na security guard ang isang plastic box container na bitbit ng una.

Nang inspeksyunin ng guwardya, nakita umano nito ang 6-piraso ng nasabing tsokolate, at nang kanyang hingin ang resibo ay walang maibigay ang asst. manager kung kaya agad na inireport sa kanilang manager na si Anable Asinas.

Sa pagrebisa sa CCTV footage, dito nakita ang palihim na pagkuha umano ng suspek ng mga chocolates sa display ng selling area ng store habang nakasarado pa ito.

vuukle comment

THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with