^

Probinsiya

14-anyos binaril ng anim na beses, utas!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang 14-anyos na binatilyo ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Dinas, Zamboanga del Sur, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ng Dinas Police ang nasawing menor-de-edad na si James Canillo, residente ng Upper Dimaya sa naturang bayan.

Si Canillo ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan matapos pagbabarilin ng isang gunman sa Barangay Legarda Uno sa Dinas.

Ayon sa mga residente ng Barangay Legarda Uno, pinatay si Canillo gabi ng Lunes, February 5, 2024, batay sa mga putok na kanilang na­rinig mula sa lugar kung saan nakita ang bangkay nito.

Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Dinas Municipal Police Station kung sino ang pumatay sa 14-anyos na si Canillo at kung ano ang motibo sa krimen.

vuukle comment

ZAMBOANGA DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with