^

Probinsiya

P27.6 milyong puslit na sigarilyo, nasabat ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P27.6 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang operasyon sa Zamboanga City nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat, nasabat ng mga tauhan ng BOC Water Patrol Division (WPD) sa isinasagawang maritime patrol operation ang isang motor banca “FB JFM 2” na kilala sa tawag na “Jungkong” sa karagatang sakop ng Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.  Nang inspeksyunin, nadiskubre ang sakay na kargamento nito na nasa 482 master cases ng puslit na mga sigarilyo.

Nabigo naman ang 9 na tripulante ng bangka na magpakita ng kaukulang mga dokumento sa nasabing dalang produkto dahilan para sila ay arestuhin.

Inalalayan ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ang mga tauhan ng BOC sa pagdala sa Jungkong at ang cargo nito sa kanilang istasyon sa Brgy. Baliwasan kung saan isinagawa ang imbentaryo ng iligal na kargamento.

Nasa kustodiya ngayon ng BOC ang mga puslit na sigarilyo habang sinampahan ng paglabag sa Section 1401 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act of 2016 ang 9 na tripulante ng bangka.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with