4 pinaghahanap sa paglubog ng 'fishing vessel' malapit sa Zamboanga
MANILA, Philippines — Sinusubukan pa ring hagilapin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang nawawalang katao matapos lumubog ang isang fishing vessel malapit sa Lungsod ng Zamboanga nitong Huwebes.
Sa ulat ng Coast Guard District Southwestern Mindanao, sinabing ika-1 ng Pebrero nang mangyari ang insidente malapit sa Tumalutab, Payao — bagay na kinasasangkutan ng RCT-999 vessel.
"The vessel submerged, and reports indicate that there were 38 individuals on board, with 4 still missing," sabi ng Coast Guard kahapon.
"Currently, the search and rescue efforts are ongoing in the hopes of finding the missing individuals."
Ikinasa ang paghahanap matapos matanggap ang ulat ng Coast Guard Substation Sangali, dahilan para italaga ang DA BFAR MCS 3001 para sa search and rescue operations.
"Their mission is clear: locate and assist anyone in distress and prevent further incidents," sabi pa ng PCG.
Minamanmanan na rin daw aniya nang husto ang lugar kung sakaling mapag-alaman ang anumang pagtagas ng langis para na rin maabisuhan ang kapitang maghain ng marine protests.
- Latest