^

Probinsiya

CT scanner, kaloob ng SMC prexy sa Quezon provincial hospital

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
CT scanner, kaloob ng SMC prexy sa Quezon provincial hospital
Masayang tinanggap ni Quezon Gov. Dra. Helen Tan kasama ang ilang opisyal ng QPHN-QMC ang CT scanner na kaloob ni SMC President/CEO Ramon S. Ang (kanan), sa ginawang ­turnover kahapon sa Quezon.
Tony Sandoval

MANILA, Philippines — Isang maituturing na “historical” na aspeto at malaking biyaya para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon matapos na pormal nang i-turnover ang bagong Fujifilm Supria 128 slice computerized tomography (CT) scanner ni G. Ramon S. Ang (RSA), president at chief exe­cutive officer (CEO) ng San Miguel Corporation (SMC) para sa Quezon Provincial Hospital Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC).

Ang 128 slice CT scanner ay ginagamit sa pag-diagnose at monitor ng iba’t ibang sakit kagaya ng cancer, sakit sa puso, sakit sa baga, stroke, at iba pa. Ito’y malaking tulong sa bawat pasyenteng nangangailangan ng ganitong pagsusuri sapagkat ito ay higit na mabilis ang proseso, mas detalyado at malinaw ang mga “images” at mas mababa ang radiation exposure.

Malaking kapakinabangan ang nasabing bagong ka­gamitan upang patuloy na maisa­katuparan ang maa­yos at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan na isa sa pangunahing prayoridad ni Governor Dra. Helen Tan para sa ­kanyang mga cons­tituents.

Pinasalamatan ni Gov. Tan si Ang sa donasyon sa pinakamala­king public hospital sa lalawigan.

“Lubos po tayong nagpapasalamat kay SMC President and CEO Ramon S. Ang sa kaniyang ipinagkaloob na Fujifilm 128 Slice CT Scanner sa Quezon Provincial Hospital Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC),” ani Dra. Tan.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, mayroon na po tayong mataas na dekalidad ng CT Scan na magagamit ng mga pasyente mula sa ating lalawigan at mga kalapit-probinsya,” dagdag ng gobernadora.

Bukod rito, sinabi ni Tan na ipinagkaloob din sa QMC ang mammogram machine para sa maagang detection ng breast cancer sa mga kababaihan.

“Ito po ay bukas para sa lahat, lalo na sa ­ating mga nahihirapan at walang kakayahang magbayad na mga kababayan,” pahayag ni Dra Tan.

Ayon naman kay Ramon Ang, handa siyang tumulong sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon upang maisakatuparan ang mga adhikaing pang-kalusu­gan, at pagbibigay ng iba pang mga proyektong makatutulong para sa ikauunlad ng lalawigan ng Quezon.

vuukle comment

MEDICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with