^

Probinsiya

Aso patay sa Bikol matapos 'ipagtanggol' sa kobra among nagpapahinga

James Relativo - Philstar.com
Aso patay sa Bikol matapos 'ipagtanggol' sa kobra among nagpapahinga
Litrato ng asong si "Kankan"
Mula sa Facebook account ni Emmanuel Onsay

MANILA, Philippines — "Hero dog" ngayon kung ituring ang isang aso sa Goa, Camarines Sur matapos mapatay ang isang makamandag na ahas habang nagpapahinga ang kanyang amo — kaso, nasawi rin ito sa proseso.

Sa ulat ng GMA News nitong Miyerkules, sinabi ng fur parent na si Emmanuel Onsay na narinig na lang niyang naghihingalo ang asong si "Kankan" habang siya'y nagpapahinga sa kanilang kubo.

Nadala pa sa beterinaryo si Kankan ngunit binawian din ng buhay kalaunan. Kinaumagahan, napansin na lang daw ng naturang amo ang isang patay na kobra malapit sa kanilang bahay kubo.

Dahil diyan, naniniwala si Emmanuel na ginawa ito ng kanyang alaga para siya'y isalba sa peligro.

Matapos ang insidente, napansin din nilang patay ang pito pang alagang manok.

"Kankan (Spotty) didn't rescue me from a treacherous snake just so I could mope around in my room feeling depressed. I know Kankan would be saddened if I let myself be consumed by negativity," wika ng guro sa Facebook noong isang araw.

"Undoubtedly, Kankan saved me because she wants me to save other dogs... She wants me to be an instrument in changing the lives of others."

"My dear Kankan, this time, I won't let you down!"

vuukle comment

BICOL

CAMARINES SUR

COBRA

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with