^

Probinsiya

Batang siklista nadaganan ng puno, pisak

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Batang siklista nadaganan ng puno, pisak
Sa hiwalay na ulat nitong Miyerkules ng Aurora Municipal Police Station at ng local government ng naturang bayan, hindi na umabot ng buhay ang Grade 7 student na si Dexcer Alimpos Quindao kung saan siya isinugod ng mga barangay responders matapos nilang mahugot ito sa ilalim ng punong niyog na nakadagan sa kanya.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Isang 13-anyos na bata ang patay ng madaganan ng punong niyog na nabuwal ng malakas na hangin habang nagbibisekleta sa barangay Romarate sa Aurora, Zamboanga del Sur nitong Martes.

Sa hiwalay na ulat nitong Miyerkules ng Aurora Municipal Police Station at ng local government ng naturang bayan, hindi na umabot ng buhay ang Grade 7 student na si Dexcer Alimpos Quindao kung saan siya isinugod ng mga barangay responders matapos nilang mahugot ito sa ilalim ng punong niyog na nakadagan sa kanya.

Sa pahayag ng magulang ni Quindao na sina Danilo at Leonora, biglang-bigla ang paglakas ng hangin sa kapaligiran kaya nabuwal ang ilang mga punong niyog doon at isa rito ang tumama at nakadagan sa kanya habang sakay ng bisikleta.

Naiulat na nagpahayag ng kahandaan ang local government unit ng Aurora na tumulong sa pagpapalibing kay Quindao.

vuukle comment

ZAMBOANGA DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with