^

Probinsiya

Pabahay project sa 6K benepisyaryo sa Bataan, sinimulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na  sisimulan na nila ang pagtatayo ng hou­sing project sa lalawigan ng Bataan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.

Ayon sa DHSUD, sa isinagawnag groundbreaking ceremony ng 1 Bataan Village-Orion Phase 2 project, hudyat na ito  na tuloy na tuloy na ang  proyekto na magbibigay ng  maayos na tahanan sa mga residente sa  nasabing lalawigan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Ong at Bataan 2nd District Representative Albert Garcia.

Matatagpuan sa Barangay Daan Pare, ang nasabing proyekto na naglalayong magbigay ng ligtas, disente, matatag at abot-kayang mga tahanan.

Nabatid na mahigit 6,450 na benepisyaryo ang inaasahan nang makikinabang sa pabahay.

Tiniyak ng DHSUD sa Bataan Officials ang kinakailangang suporta para sa tagumpay ng proyekto.

URBAN DEVELOPMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with