^

Probinsiya

Van hulog sa creek: 15 magpapamilya sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Habang patungong family outing

MAUBAN, Quezon, Philippines — Labing-limang magkakapamilya na patungo sa family outing  ang nasugatan nang mahulog sa creek ang kanilang sinasakyang  nirentahang van kamakalawa ng umaga sa Barangay Concepcion sa bayang ito.

Ayon sa report ng Mauban Police, galing sa  Malinao, Pasig City ang magkakamag-anak at mag-a-outing sana sa  Cagbalete Island  nang habang tinatahak nila ang Mauban-Sampaloc Road  ay lumihis ang van sa kabilang lane at tumalon sa mababaw na creek sa gilid ng kalsada dakong alas-7:00 ng umaga.

Nagtamo lamang ng mga minor injuries ang mga sakay kabilang ang apat na menor-de-edad.

Dinala pa rin ang mga biktima sa pagamutan at hindi na rin natuloy sa kanilang outing.

Nakaidlip umano ang driver habang nagmamaneho sanhi ng aksidente, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

CAGBALETE ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with