Motorcycle rider, todas sa aksidente
MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi matapos bumangga sa poste ng ilaw ang minamanehong motorsiklo sa Nueva Vizcaya, kamakalawa ng gabi.
Idineklarang dead on arrival sa Region 2 Trauma Medical Center ang hindi pa nakilalang rider dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.
Sa inisyal na report ng pulisya, binabagtas ng rider ang national highway sa Brgy Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya,alas-11:00 ng gabi nang sumemplang sa poste ng ilaw ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative, Inc (NUVELCO).
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumalsik ang rider na idineklarang dead on arrival.Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.
- Latest