^

Probinsiya

72-anyos na lolo, hinoldap sa banyo ng resto

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang 72-anyos na lalaki makaraang manlaban sa holdaper na isa ring senior citizen sa loob ng banyo ng Kuya J Restaurant, Robinsons Mall, Brgy.Tanza Luma 5, Imus City, Cavite.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa katawan ay kinilalang si alias Arnulfo, 72, residente ng Liwayway, Subdivision, Brgy. Anabu 1 - C Imus City, Cavite.

Agad ding naaresto ng mga security guard ng nasabing establisyemento ang suspek na nakilalang si Manuel Jovillano, 63-anyos ng Avellanoza St, Lucena City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-4:00 ng hapon sa banyo ay kumakain ang biktima sa nasabing restoran nang magpasyang magtungo sa banyo.

Hindi nito sukat akalain na siya ay sinundan ng suspek at agad na dinikitan at nagdeklara ng holdap.

Dito na nanlaban ang biktima dahilan upang saksakin ito ng suspek.Nakasigaw ang biktima kung kaya nakaresponde agad ang mga security guard dito at naaresto ang suspek.

Agad naitakbo sa Pilar Hospital ang biktima at kasalukuyan ngayong inoobserbahan .Narekober naman sa suspek ang ginamit nitong patalim at kasalukuyan ng nakakulong sa Imus Police Station at nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

KUYA J

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with