^

Probinsiya

SUV, pinagsakyan sa missing beauty queen, narekober

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
SUV, pinagsakyan sa missing beauty queen, narekober
Ang inabandonang Honda CRV na pinagsakyan ng tatlong armadong lalaki sa beauty queen finalist na si Catherine Camilon na hanggang ngayon ay nawawala.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Isa sa dalawang sasak­yan na sangkot sa na­wawalang beauty queen finalist at gurong si Catherine Camilon ang narekober sa isang bakanteng lote sa Batangas nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang pulang sports utility vehicle na Honda CRV ay inabandona sa hindi kilalang indibiduwal sa bakanteng lote sa Sitio Ilaya, Barangay Dumuclay, Batangas City, dakong alas-6:25 ng gabi.

Isang tawag sa tele­pono ang tinanggap ng Criminal Investigation and Detection Group-provincial field unit-Batangas, na nagsasabing may nakitang sasakyan sa bakanteng lote.

Bunsod nito, agad na tinungo ng joint team ng CIDG4 at Highway Patrol Group (HPG-4A ang lugar at natagpuan ang nasabing sasak­yan na walang plaka at walang conduction sticker na hanggang ngayon ay wala pang nagki-claim.

Dumating din sa lugar ang Explosive Ordinance Division team na nagsagawa ng search at nakitang ang makina at chassis numbers ng sasakyan ay tampered gamit ang grinding machine.

Ang narekober na sasakyan ay nasa kustodya na ng Batangas Provincial Forensic Unit sa Batangas Provincial Police Office para sa masusing forensic examination bago ito ipasa sa HPG4A sa Batangas.

Sa naging pahayag ng dalawang lumutang na testigo, nakita nila si Camilon na duguan ang ulo habang karga ng tatlong lalaki at inililipat na isakay sa pulang Honda CRV.

Sa kanilang sinum­paang salaysay, sinabi ng mga testigo na na­kita pa sila ng mga lalaki kaya sinabihan silang umalis at tinutukan pa sila ng baril.

Nakita rin umano nila ang Nissan Juke ni Camilon kung saan siya nakasakay nang siya ay mawala, sa mismong araw kung saan nila nakita ang nasabing pulang SUV.

CAMILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with