^

Probinsiya

5 patay sa salpukan ng multicab at van  

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
5 patay sa salpukan ng multicab at van  
Unang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang16-anyos na lalaking estudyante at 33-anyos na lalaki na kapwa sakay ng multicab.
STAR / File

8 pang pasahero sugatan

MANILA, Philippines — Lima katao ang patay habang walo pa ang sugatan nang magsalpukan ang multicab at pampasaherong van sa Palo, Leyte kamakalawa.

Unang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang16-anyos na lalaking estudyante at 33-anyos na lalaki na kapwa sakay ng multicab.

Binawian naman ng buhay noong gabi ng Huwebes sa ospital ang tatlong iba pa na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang patuloy na ginagamot ang walong sugatan na pasahero ng van.

Batay sa pagsisiyasat ng Palo Police, nangyari ang insidente dakong alas-5:45 ng madaling araw nitong Huwebes sa national highway ng Brgy. Guindapunan sa nasabing bayan.

Lumalabas na ga­ling ang multicab sa Tacloban City at papuntang Palo, Leyte habang ang pampasaherong van ay galing Southern Leyte.

Pagdating sa natio­nal highway ng Brgy. Guindapunan, kakaliwa sana ang multicab papunta sa isang simbahan nang bigla itong salpukin ng pampasaherong van.

Sa lakas ng salpok, patay agad ang dalawang sakay ng multicab habang tatlo pa  mula sa van ang nasawi sa ospital at walo pang pasahero nito ang sugatan.

Nasa kustodya na ng Palo Police ang driver ng van na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

ESTUDYANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with