^

Probinsiya

2 todas sa ambush sa Sultan Kudarat

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang namimili ng mga nare-recycle na mga plastic na kasangkapan matapos silang tambangan at pagbabarilin nitong hapon ng Huwebes sa isang bahagi ng highway sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng Palimbang Municipal Police Station nitong Byernes, hindi pa nakikilala kung sino ang mga salarin sa pananam­bang kina Eduardo Cabucos Jr. at kasamang si Ricky Gaso sa isang liblib na bahagi ng highway sa Barangay Baliango na nagsanhi sa kanilang agarang kamatayan.

Parehong taga-Kiamba sa probinsya ng Sarangani ang mga biktima, at magkasama sa pamimili ng mga scrap metals at mga plastic na kanilang pinagbibili sa isang negosyante sa kanilang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na sa kanilang bayan ang dalawang biktima sakay ng motor trike nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa gilid ng highway na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Wala pang linaw sa mga imbestigador kung sino ang mga res­ponsable sa pagpatay kina Cabucos at Gaso.

HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with