^

Probinsiya

Mayon, patuloy ang pagguho ng lava

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayon, patuloy ang pagguho ng lava
Sa tala ng Phil Volca­nology and Seismology (Phivolcs) may mabagal na pagdaloy ng lava sa may Misi gully na may 2.8 kilometro, 3.4 kilometrong pagdaloy ng lava sa may Bonga gully at 1.1 kilo­meter na pagdaloy ng lava sa may Basud Gully.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)/Facebook page

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon kabilang ang mga pagguho ng lava sa Albay.

Sa tala ng Phil Volca­nology and Seismology (Phivolcs) may mabagal na pagdaloy ng lava sa may Misi gully na may 2.8 kilometro, 3.4 kilometrong pagdaloy ng lava sa may Bonga gully at 1.1 kilo­meter na pagdaloy ng lava sa may Basud Gully.

Mayroon namang 4-ki­lometrong pagguho ng lava mula sa bunganga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Nagtala rin ang bulkan ng 162 volcanic earthquake,172 rockfall events at pagluwa ng asupre na may 958 tone­lada. Mayroon din itong pagsingaw na may 400 metro ang taas at nagtala ng dalawang pyroclastic density current events at pamamaga ng bulkan.

Bunsod nito, patuloy na pinagbabawal ng Philvolcs ang pagpasok ng sino man sa loob ng 6-ki­lometer danger zone at pagpapalipad ng aicraft sa may ibabaw ng bulkan dahil sa banta posibleng pag-agos ng lahar kung makakaranas ng ulan sa lugar, pagtilapon ng lava at pagputok ng bulkan.

Ang bulkang Mayon ay nananatiling nasa alert level 3.

BULKANG MAYON

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with