^

Probinsiya

Lyceum at PLC lumagda sa MOA na magpapalakas ng edukasyon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Lyceum at PLC lumagda sa MOA na magpapalakas ng edukasyon
Ang mga opisyal ng Lyceum of the Philippines University-Batangas at Pacific Link College-Canada matapos ang ginawang paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) na layong mapalakas ang edukasyon, pagtuturo at kaalaman ng mga mag-aaral at sa palitan ng kultura, sa Batangas City kamakailan.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Nilagdaan ng Lyceum of the Philippines University (LPU)-Batangas at Pacific Link College of Canada (PLC) ang isang memorandum of agreement (MOA) na magbibigay ng disenteng mas mataas na edukasyon, pagpapalitan ng kultura, pagtuturo, at kaalaman para sa mga benepisyo ng bawat mag-aaral sa pandaigdigang komunidad at internasyonal.

Pinangunahan nina Tarun Khullar, CEO at founder ng Pacific Link College-Canada; Isaac Oommen, Head of Programs and Relations-(PLC), at Vice President for Academic and Research ng LPU-Batangas, Dr. Cecilia Pring at Frederic Badillo, senior vice president/vice president for finance sa paglagda ng MOA sa coffee shop sa LPU sa Batangas City, kamakailan.

Ang paglagda sa MOA ay nagpapatibay sa dalawang institusyon upang pasiglahin ang kanilang transnational education at Co-op internship programs at malalaking plano para sa lahat ng estudyante.

Kasama rin sa mga larawan sina Dr. Roden Mama, country manager, (PLC), Dr. Ryan Mejia, Dean, College of International Tourism and Hospitality Management at iba pang mga pinuno ng faculty ng Unibersidad.

CEO

LPU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with