Bagong ‘media policy’ ng PNP sa police journal, binira
LUCENA CITY, Philippines — Binatikos ng mga provincial correspondents at newsmen na nakabase sa lalawigan ng Quezon ang bagong polisiya na ipinalabas ng pamunuan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) kaugnay sa mga police journal na ibinibigay sa mga mamamahayag.
Ikinagulat ng mga mamamahayag kahapon ang malaking pagbabago sa police journal na mapapansing hindi na nakalagay ang mga pangalan ng mga suspek at biktima na karaniwang inilalagay sa police report o blotter at bukas para sa mga mamamahayag. Nakasaad na lamang ay “name withheld”.
Nang kunan ng pahayag ang Quezon PNP-PIO sa pamamagitan ng “chat” ay sinabi nilang sumusunod lamang sila sa bagong polisiya na ipinalabas ng Police Regional Office (PRO4A), at ito ay ang “Revised Media Relations Policy” na may petsang Setyembre 29, 2023.
Gayunman, handa umano nilang iparating sa pamunuan ng PNP ang hinaing ng mga mamamahayag kaugnay sa isyu.
- Latest