Barangay treasurer, utas sa ambush
MANILA, Philippines — Isang barangay treasurer ang nasawi habang sugatan ang angkas nito matapos tambangan ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Leyte.
Dead on the spot si Mateo Rasonable, 41, ng Brgy. Mataloto Leyte, Leyte habang ginagamot sa ospital si Angielyn Gulanie, 86 ng Brgy. Cabungahan, Villaba Leyte at kasapi ng KALAHI Barangay Development Council (BDC).
Batay sa report ng Villaba Municipal Police Station, bandang alas-2:20 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang krimen sa Brgy. Cabungahan, Villaba, Leyte.
Pauwi na ang dalawang biktima sakay ng motorsiklo na minamaneho ni Rasonable, galing sa Land Bank-Carigara Leyte nang bigla na lamang silang tambangan ng tatlong kalalakihan na sakay rin ng motorsiklo saka mabilis na nagsitakas.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan si Rasonable na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang dinala naman sa OSPA hospital Ormoc si Gulanie para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.
- Latest