^

Probinsiya

Masbate City niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa magnitude 4.7 na lindol ang yumanig sa Masbate City kahapon ng umaga.

Batay sa inilabas na Earthquake Information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na dakong alas-6:21 ng umaga nang ma­ramdaman ang sentro ng lindol sa Masbate City.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may 011 kilometrong lalim.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Masbate City at San Fernando sa Masbate;  Intensity III sa Batuan, Milagros, Mobo at Monreal sa Masbate;  Intensity II sa Aroroy, Baleno at San Pascual sa Masbate; Allen, San Isidro, at Victoria sa Northern Samar; at Calbayog City sa Samar; at Intensity I sa Palanas at Mandaon sa Masbate.

Mayroon din namang naitalang mga Instrumental Intensities sa Masbate City, Masbate na nasa Intensity IV; Batuan at Milagros, Masbate na nasa Intensity III; Aroroy, Masbate; Rosario Northern Samar; Bulusan, Sorsogon; at Legazpi City, Albay na nasa Intensity II at Cataingan, Masbate at Kawayan, Biliran, na nasa Intensity I.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na wala silang inaasahang pinsalang posibleng maiulat dulot ng lindol ngunit asahan na anila ang pagkakaroon ng mga aftershocks.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with